Mahigit P200K na halaga ng smuggled na sigarilyo nakumpiska sa pampasaherong barko galing ng Sulu

Mahigit P200K na halaga ng smuggled na sigarilyo nakumpiska sa pampasaherong barko galing ng Sulu

Nakumpiska ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) ang kahun-kahong inabandonang “smuggled” na sigarilyo sa isang pampasaherong barko mula sa Port of Siasi, Sulu.

Sa pagtaya ay aabot sa humigit-kumulang P210,000 ang halaga ng mga kontrabando.

Nakita ng PCG ang naturang kargamento habang iniinspeksyon ang mga inabandonang bagahe na sakay ng MV EVER QUEEN OF THE PACIFIC na bumibiyahe mula Port of Siasi papuntang Port of Zamboanga.

Nang buksan ang 10 kahon at anim na bag, nakitang naglalaman ito ng nasa 300 ream ng sigarilyo na hinihinalang iligal na inangkat sa bansa.

Agad itong kinumpiska ng PCG para ma-i-turnover sa Bureau of Customs (BOC).

Isasailalim sa imbestigasyon ang mga nakumpiskang sigarilyo para malaman kung sino ang nasa likod ng smuggling. (DDC)

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *