13th month pay ng mga empleyado dapat maibigay bago mag-Dec. 24
May paalala ang National Wages and Productivity Commission (NWPC) sa mga employer sa pagbibigay ng 13th month pay ng kanilang mga empleyado.
Ayon sa komisyon, ang 13th month pay ay dapat matanggap ng mga empleyado sa mismong araw o bago mag-Dec. 24.
Sinabi ng NWPC na ito ay salig sa DOLE-BWC Handbook on Workers Statutory Monetary Benefits 2022 edition.
Ang pagbibigay ng 13th month pay sa mga empleyado ay mandatory.
Ayon sa Department of Employment, entitled makatanggap ng 13th month pay ang mga rank-and-file employees anuman ang kanilang posisyon, designation o employment status basta’t nasa serbisyo na sila ng hindi bababa sa isang buwan sa kabuuan ng calendar year. (DDC)