Oath-taking ceremony ng mga bagong beterinaryo itinakda na ng PRC
Itinakda na ng Philippine Regulation Commission (PRC) ang panunumpa oath-taking ceremony para sa mga magiging bagong beterinaryo.
Ayon sa PRC, ang panunumpa ng mga bagong Veterinarian ay isasagawa online sa November 24, 2022, 9:00 ng umaga.
Ang mga manunumpa ay pinayuhan ng PRC na magsuot ng formal o business attire at gumamit ng white backdrop sa gaganaping oathtaking ceremony.
Inatasan din silang kumuha ng online appointment schedule sa http://online.prc.gov.ph
Limang araw bago ang oath-taking day ay isasara na ang pagtanggap sa online registration.
Inatasan din ang mga inductees na i-print ang “OATH OF PROFESSIONAL” form na maaaring mai-download sa PRC Online Services. (DDC)