9,069 na bagong kaso ng COVID-19 naitala ng DOH sa nakalipas na isang linggo
Nakapagtala ng 9,069 na bagong kaso ng COVID-19 sa bansa sa nakalipas na isang linggo o mula Nov. 7 hanggang Nov. 13.
Ang datos ayon sa Department of Health (DOH) ay 43 percent na mas mataas kumpara sa naitalang mga bagong kaso noong mula Oct. 31 hanggang Nov. 6.
Ayon sa DOH, sa 9,069 na bagong mga kaso, 6 lamang ang severe at critical cases.
Habang nakapagtala naman ng 113 dagdag na nasawi.
Samantala, iniulat din ng DOH na mayroon nang 73,644,364 na fully vaccinated individuals.
Umabot naman na sa 20,760,526 ang nakatanggap ng booster shots. (DDC)