Buong Northern Luzon apektado ng Amihan
Malamig na panahon na ang mararanasan sa Northern Luzon dahil sa epekto ng Northeast Monsoon o Amihan.
Sa weather forecast ng PAGASA ngayong Martes, Nov. 15, bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na mayroong isolated na pag-ulan ang mararanasan sa Cagayan Valley, Cordillera Administrative Region, at Ilocos Region.
Bahagyang maulap na papawirin din hanggang sa maulap na papawirin ang mararanasan sa Metro Manila at sa nalalabi pang bahagi ng bansa.
Kahapon bumagsak na sa 17.7 degress Celsius ang naitalang temperatura sa Baguio City, ganap na 6:00 ng umaga.
Habang 18.5 degrees Celsius naman ang naitala sa Malaybalay, Bukidnon. (DDC)