LRT-1 Cavite Extension matatapos sa Sept. 2024
Matatapos sa Sept. 2024 ang konstruksyon ng LRT-1 Cavite Extension.
Ayon kay Transportation Secretary Jaime Bautista, on track ang proyekto at inaasahang magiging operational sa target na petsa.
Si Bautista ay nagsagawa ng inspeksyon sa Dr. Santos at Ninoy Aquino Stations ng LRT-1 Cavite Extension.
“So far, we are [on track]. This is the reason why we are here—to make arrangements with the LRMC and their contractors so that this line will be operational as scheduled,” ayon kay Bautista.
Sa ngayon, ang Dr. Santos, Ninoy Aquino, at Redemptorist Stations sa Parañaque City ay 48.03%, 34.06%, at 30.17% nang kumpleto.
Habang ang progress rate naman ng Asia World at MIA Stations sa Pasay City ay 37.12% at 35.47%.
Ang 11.7-kilometer, 8-station LRT-1 Cavite Extension Project ang magkukunekta sa Baclaran sa Parañaque City patungo sa Bacoor, Cavite.
Ang proyekto ay joint venture ng DOTr, Light Rail Transit Authority (LRTA), at LRMC.
Sa sandaling maging fully operational ang LRT-1 Cavite Extension Project ay inaasahang mababawasan ang travel time sa pagitan ng Baclaran at Bacoor, Cavite sa 25-minuto na lamang mula sa kasalukuyang 1 hour and 10 minutes. (DDC)