NCRPO nagdadalamhati sa pagkamatay ng pulis sa enkwentro sa Caloocan

NCRPO nagdadalamhati sa pagkamatay ng pulis sa enkwentro sa Caloocan

Ikinalungkot ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Acting Regional Director,Brigadier General Jonnel C. Estomo ang pagkamatay ng isang matapang na miyembro ng pulisya na nagsakripisyo ng sarili upang protektahan ang mamamayan at itaguyod ang kapayaan sa komunidad nitong Nobyembre 13.

Binawian ng buhay si Cpl Noel Ogano,miyembro ng Special Weapon and Tactics (SWAT) habang sugatan naman si LtCol Jerry Castillo,Deputy Commander,DMFB.

Ayon sa ulat,nagsagawa ng follow-up operation ng Quezon City Police District personnel laban sa suspek na si Martin Luther Nuñez,42,dating PMMA cadet,sakay ng puting Grandia na sangkot umano sa walang habas na pagpapaputok ng baril dakong alas-11:30 ng umaga ng Linggo sa Block 31, Brgy. Pasok Putik, Quezon City.

Nagtungo ang mga pulis kabilang sina Lt.Col Castillo at Cpl Ogano para sa negosasyon sa bahay ng suspek sa Blk 11 Lot 4, Palmera Homes, Nova East, Maligaya Parkland, Brgy 177, Caloocan City nang biglang magpaputok ng baril ang salarin na nauwi sa enkwentro.

Tumagal ng 30 minuto ang barilan sa pagitan ng suspek at otoridad na ikinamatay ni Cpl Ogano at ikinasugat ni Lt.Col Castillo.

Naghagis naman ng tear gas ang SWAT Team dahilan para masuffocate at mapatay ang suspek habang narekober ang kanyang mga baril.

“NCRPO mourns the loss of a brave comrade who offered his life while fulfilling his sworn duty. We condole and extend our deepest sympathy to the bereaved family of our honorable man who left a name worth remembering,” sabi ni BGen Estomo

“Hindi matatawaran ang katapangan na ipinakita ni PCpl Ogano na walang takot na humarap sa panganib upang tuparin ang kanyang tungkulin. Ito ay tunay na kapuri-puri at dapat lamang na ipagmalaki,”dugtong ng NCRPO chief. (Bhelle Gamboa)

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *