Download, Drive at Win Holiday Promo, inlunsad ng MPTC
Inilunsad ng Metro Pacific Tollways Corporation (MPTC; operator of CCLEX, CAVITEX, CAVITEX C5 LINK, CALAX, NLEX, NLEX Connector, and SCTEX) at MPT Mobility ang kanilang 2022 holiday raffle promo na Download, Drive, and Win sa pamamagitan ng pinakabagong application na MPT DriveHub.
Dahil ramdam na ang Kapaskuhan, handa na rin ang MPTC na magbigay ng saya at sorpresa sa lahat ng users (bago man o dati) simula sa Nobyembre 11.
Sa pamamagitan ng pagsali sa Download, Drive and Win Promo,dalawang mapapalad na MPT DriveHub app users ang magmamaneho pauwi ng isa sa dalawang MGZS cars o maaring isa sa 10 masuwerteng tatanggap ng P100,000 na premyo.
Sumali sa promo at madaling makakakuha ng points gamit ang MPT DriveHub app para sa gumagamit ng Easytrip o CCLEX RFID na otomatikong makapagdownload ng app via the App Store o Google Play Store. Ang app ay maaaring magamit sa lahat ng MPTC expressways: CCLEX, NLEX, NLEX Connector, CALAX, SCTEX, CAVITEX, at CAVITEX C5 LINK.
Kapag nakapagrehistro na,lahat ng users ay makakaipon ng rewards points na puwedeng iconvert sa raffle entries na aabot ng 24 points kada buwan hanggang Enero 31,2023 at ikoconvert naman ang bawat reward point katumbas ng one raffle entry.
“We’re very excited for the lucky winners,” pahayag ni Rodrigo E. Franco, President at CEO ng Metro Pacific Tollways Corporation.
“The point of Download, Drive, and Win is to show our appreciation for our customers, and with people’s renewed enthusiasm to travel, we want to reward them in a manner befitting the holiday season,” dugtong nito.
Sa mga hindi pa nakakapagrehistro ng kanilang sasakyab ay download lamang ang forms ng Easytrip o CCLEX websites.
Sangguniin ang MPT DriveHub sa Facebook at mag-log on sa kanilang website para sa updates. (Bhelle Gamboa)