Cancer Assistance Fund pormal nang inilunsad ng DOH
Pormal nang ipatutupad ng Department of Health (DOH) ang Cancer Assistance Fund (CAF) salig sa National Integrated Cancer Control Act (NICCA).
Layunin ng CAF na masuportahan ang mga pasyente na mayroong cancer at ang mga cancer survivors.
Ayon sa DOH, sakop ng CAF ang mga outpatient at inpatient services kabilang ang diagnostics, therapeutic procedures, medicines, treatment and management services, at iba pang care-related components ng cancer.
Ang walong identified priority cancer types na eligible sa ilalim ng CAF ay ang breast cancer, childhood cancer, gynecologic cancer, liver cancer, adult blood cancers, head and neck cancers, lung cancer, at prostate, renal, and urinary bladder cancers.
Para maka-avail ng tulong sa ilalim ng CAF, ang pasyente ay kailangang magsumite ng requirements kabilang ang prescriptions, treatment protocols, at medical abstracts na isasailalim naman sa evaluation bago ang approval at availment ng mga serbisyo. (DDC)