Road works at repairs sa mga pangunahing kalsada sa Metro Manila suspendido simula ngayong araw

Road works at repairs sa mga pangunahing kalsada sa Metro Manila suspendido simula ngayong araw

Pansamantalang pinatigil ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang excavation activities sa mga pangunahing kalsada sa Metro Manila.

Ito ay dahil sa inaasahang pagtaas ng bilang ng mga sasakyan at pedestrians ngayong Holiday season.

Ang suspensyon ay epektibo simula ngayong araw, Nov. 14 hanggang sa Enero 6, 2023.

Kabilang sa sinuspinde ang pagsasagawa ng road reblockings, pipe laying, road upgrading, at iba pang excavation works.

Hindi naman sakop ng suspensyon ang mga sumusunod:

– flagship projects ng pamahalaan
– DPWH bridge repair/construction
– flood interceptor catchment project (box culvert)
– asphalt overlay projects na walang reblocking works
– sidewalk improvement
– drainage improvement projects sa bangketa at hindi nasasakop ang kalsada
– footbridge projects
– emergency leak repair o breakage of water line ng manila water at maynilad water services
– mga proyektong gumagamit ng trenchless or horizontal directional drilling method
– mga bagong water service o electrical service connections
– road activities na walang paghuhukay (traffic clearance only)
– traffic signalization projects
– Meralco relocation works na nakaapekto sa mga malalaking proyekto ng gobyerno
– iba pang proyekto na bibigyang permiso ng MMDA

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *