9,196 examinees nakakumpleto ng ikalawang araw ng Bar Exams
Umabot sa 9,196 na candidates mula sa 10,006 na aplikante ang nakatapos sa ikalawang araw ng 2022 Bar Examinations.
Ayon sa Korte Suprema, nakumpleto ng nasabing bilang ng mga examinees ang mga pagsusulit na ibinigay sa ikalawang araw ng exams noong Linggo, Nov. 13.
Ang bilang na 9,196 na examinees ay kumakatawan ito sa 91.90% turnout.
Sa ikalawang araw ng exams, Criminal Law (and Practical Exercises) at Commercial Law ang ibinigay na pagsusulit.
Ang Day 3 ng pagsusulit ay isasagawa sa Nov. 16 kung saan ibibigay naman ang Civil Law 1 at Civil Law II.
Habang ang Day 4 ay gaganapin sa Nov. 20 para naman sa Remedial Law I at Remedial Law II. (DDC)