Gilas Pilipinas wagi kontra Saudi Arabia sa Fiba World Cup Asian Qualifiers
Tinalo ng Gilas Pilipinas ang Saudi Arabia sa Fiba World Cup Asian Qualifiers sa laban na ginanap sa Jeddah.
Sa score na 76-63, nakumpleto ng Gilas ang fifth window sweep para sa paghahanda sa Fiba World Cup sa susunod na taon.
Kapwa nagtala ng tig-13 points sina Roger Pogoy at Dwight Ramos.
Nag-ambag naman ng 11 points, 9 rebounds at 5 blocks si Kai Sotto, habang 10 points si CJ Perez.
Malaking bagay sa panalo ng Gilas ang last four points ni Ramos para matalo ang Saudi Arabia at maitala ang 5-3 record ng koponan.
Sa buwan ng Pebrero sa susunod na taon ay makakatunggali muli ng Gilas ang Jordan at ang Lebanon. (DDC)