Year-End Bonus at cash gift matatanggap na ng mga pulis

Year-End Bonus at cash gift matatanggap na ng mga pulis

Naipalabas na ang mahigit P8.5 billion na pondo para sa Year-End Bonus (YEB) at Cash Gift ng 226, 515 na PNP personnel.

Ayon kay Philippine National Police Chief, Police General Rodolfo S Azurin Jr, ang pondo ay magmumula sa PNP Appropriations program sa ilalim ng 2022 budget ng ahensya.

Sinabi ni Police Brigadier General Bowenn Joey Masauding, director ng PNP Finance Service ang Year-End Bonus ay katumbas ng one-month base pay ng mga pulis habang P5,000 naman ang cash gift.

Matatanggap ito ng mga tauhan ng PNP bukas Nov. 15 sa pamamagitan ng kanilang Landbank ATM Payroll Accounts.

Sa ilalim ng Tax Reform Acceleration and Inclusion Law o T.R.A.I.N. Law (Republic Act 10893) ang Year-End Bonus, iba pang bonus kabilang ang mid-year bonus na lagpas ng P90,000 ay taxable.

Payo ni Azurin sa mga tauhan ng PNP, gamitin ng wasto ang mga matatanggap na bonus para sa kanilang pamilya, mahal sa buhay at sa paghahanda para sa nalalapit na pagdiriwang ng kapaskuhan. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *