Brunei tiniyak ang suporta sa inisyatibong pangkapayapaan ng administrasyong Marcos

Brunei tiniyak ang suporta sa inisyatibong pangkapayapaan ng administrasyong Marcos

Nangako si Sultan Hassanal Bolkiah ng Brunei na patuloy na susuportahan ang Pilipinas sa mga inisyatibong pangkapayapaan ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr

Sa bilateral meeting nina Bolkiah at Marcos ay nangako ito ng suporta sa gobyerno ng Pilipinas sa pagtitiyak ng peace at stability.

“We will continue to support your government’s efforts in ensuring peace and stability through various initiatives in southern Philippines including our participation in the unification and modification assistance,” ayon kay Bolkiah.

Pinuri din ni Bolkiah ang pangulo dahil sa pagsusulong nito ng kapayapaan at kasaganahan sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).

Naganap ang pulong bilang sidelines ng 40th and 41st Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summits and Related Summits.

Umaasa din ang sultan na mas marami pang Pinoy ang magtutungo sa Brunei para bumisita ngayong mas marami na ang direct flights sa pagitan ng dalawang bansa. (DDC)

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *