Pangulong Marcos nanawagan sa pagpapatuly ng Asean-US efforts kaugnay sa maritime security
Nanawagan si Pangulong Ferdinand Marcos na ipagpatuloy ang kooperasyon ng Association of Southeast Asian Nations (Asean) at ng United States para matugunan ang maritime security at transnational crime.
Sa kaniyang intervention sa 10th Asean-US Summit sa Cambodia, iginiit ng pangulo ang kahalagahan sa paglaban sa illegal, unregulated at unreported fishing at paglaban sa marine plastic debris at marine pollution.
Kasabay nito ay tiniyak ni Marcos ang commitment ng Pilipinas para makamit ang regional peace and security.
Ayon sa pangulo, ang pagbuo ng Asean-US Comprehensive Strategic Partnership ay pagpapatibay sa relasyon ng mga bansa at makatutulong sa regional architecture. (DDC)