99 percent ng mga empleyado ng MMDA fully-vaccinated na kontra COVID-19

99 percent ng mga empleyado ng MMDA fully-vaccinated na kontra COVID-19

Fully-vaccinated sa COVID-19 ang 99 percent ng buong workforce ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).

Ayon sa Department of Health (DOH), mahigit 84 percent ng mga empleyado ng MMDA ay nakatanggap na din ng kanilang unang booster shot.

Nagtungo si DOH Officer-in-Charge Dr. Maria Rosario Singh-Vergeire sa tanggapan ng MMDA para magsagawa ng pagbabakunasa mga empleyado nito.

Tiniyak ni MMDA Acting Chairman Atty. Romando Artes sa DOH ang patuloy na suporta ng ahensya sa mga hakbang laban sa COVID-19.

Kaugnay nito, naglaan ang MMDA at ang Metro Manila Center for health Development ng health plan vouchers para sa mga empleyadong bakunado na.

Sakop ng health plan ang mga serbisyo gaya ng unlimited voice call consultations, apat na (4) video call consultations, e-Prescription, e-Laboratory requests, at e-medical certificate provisions. (DDC)

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *