NCRPO pinabulaanan ang mamahaling sasakyan na may markang “Pulisya” at PNP logo

NCRPO pinabulaanan ang mamahaling sasakyan na may markang “Pulisya” at PNP logo

Kinumpirma ng National Capital Region Police Office (NCRPO) na hindi sa kanila ang mamahaling sasakyan na nagtataglay ng markang “PULISYA” at PNP logo na nagviral nang maispatang dumaan sa Ayala Center, Makati City.

Ayon sa NCRPO, nagviral ang litrato ng isang luxury vehicle na Toyota Alphard na may naturang hood markings at logo sa gilid ng harapang pinto ng sasakyan nang dumaan sa sinasabing kalsada na nasa bahagi ng Ayala Center na ikinukonsiderang nasa lugar umano ng Makati City.

“We confirm that we have no issued police vehicle with car type and model such as this in NCRPO,’ ani Acting Regional Director Brigadier General Jonnel C. Estomo.

Kung ang nasabing sasakyan ay hindi lehitimong police car, mahigpit na ipinagbabawal ang ilegal na paggamit ng PNP seal/logo sa anumang pribado o pampublikong sasakyan.

Iginiit ni Estomo na hindi kinukunsinti kailanman ng NCRPO lalo na kapag nahuli ito sa nasasakupang lugar.

Sa ilalim ng Executive Order No. 297, Series of 2000, ipinagbabawal ang hindi otorisadong paggawa,pagbebenta,distribusyon at paggamit ng uniporme, insignias, at iba pang gamit ng Philippine National Police. Ipinapatupad ng EO ang Article 179 of the Revised Penal Code (RA 3815) – The Illegal Use of Uniforms or Insignias.

“Rest assured that we have alerted all our units on the ground particularly Makati City Police Station where subject vehicle was seen in the viral photo to verify the identity and legitimacy of the vehicle. We will not let anyone to disobey the law for personal and temporal intentions once proven to have transgressed it,” pahayag ni BGen Estomo.

Nanawagan din ang opisyal sa publiko na agad ireport sa otoridad ang anumang insidente o impormasyon ukol dito upang mabilis na maaksyunan. (Bhelle Gamboa)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *