Higit 4,000 pamimlya nabigyan ng malinis na tubig sa Maguindanao at Antique
Umabot na sa 4,478 na pamilya ang nabigyan ng malinis na tubig sa pamamagitan ng water purification system ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa mga lugar sa Maguindanao at Antique na sinalanta ng Bagyong Paeng.
Kabilang sa mga pamilya napagkalooban ng malinis na maiinom na tubig ay ang mga sumusunod na barangay:
Pandi Proper
Penditen
Damabalas
Lower Magaslong
Calog
Lacaron
Initan
Millamena
Rempes Sitio Kabugkabug
Kabakaba
Blensong
Kusiong Sitio Mandalay
L Idipan
Sitio Bigat
Sitio Tuka Tap
Salomon Villa
Kibukay
Mirab
Kibeleg
Kusiong Sitio Mandalay Rhino
Lagddo
Ang potable water purification system ay kayang maglabas ng 180 na galon kada oras kung saan umabot na ito sa 28,438 na galon ng malinis na tubig ang naibigay nito.
Noong Nobyembre 3 nagpadala si MMDA Acting Chairman Romando Artes ng kanyang mga tauhan sa Maguindanao at Antique bilang tugon sa kautusan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na sa lahat ng ahensya ng pamahalaan ay gawing prayoridad ang paghahatid ng supply ng maiinom na tubig sa mga lugar na matinding naapektuhan ng nasabing bagyo.(Bhelle Gamboa)