3,826 nakapasa sa Physician Licensure Examination
Umabot sa 3,826 mula sa 5,958 applicants ang nakapasa sa Physician Licensure Examination (PLE).
Ayon sa Professional Regulation Commission (PRC), Top 1 sa exams ang estudyante mula sa Univesity of the Philippines – Manila na si Justin Adriel Zent Togonon.
Isinagawa ang Physician Licensure Examination ng Board of Medicine sa Manila, Baguio, Cagayan de Oro, Cebu, Davao, Iloilo, Koronadal, Legazpi, Lucena, Pampanga, Rosales, Tacloban, Tuguegarao at Zamboanga noong October 2022.
Sa December 22 hanggang 23, December 26 hanggang 29, 2022 at January 2 hanggang 5, 2023 ay uunmpisahan na ang registration para sa pag-iisyu ng Professional Identification Card (ID) at Certificate of Registration sa pamamagitan ng on-line.
Maaaring bisitahin ang www.prc.gov.ph para sa gabay sa initial registration.
Ang petsa at lugar para sa oathtaking ceremony ng mga nakapasa ay iaanunsyo ng PRC sa susunod na mga araw. (DDC)