Nasawi sa pananalasa ng bagyong Paaeng umakyat na sa 159 ayon sa NDRRMC

Nasawi sa pananalasa ng bagyong Paaeng umakyat na sa 159 ayon sa NDRRMC

Nakapagtala na ng 159 na nasawi ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) dahil sa pananalasa ng bagyong Paeng.

Sa inilabas na situational report ng NDRRMC, Huwebes (Nov. 10) ng umaga, nakapagtala na ng 146 na nasugatan at mayroon pang 30 na nawawala.

Ayon sa NDRRMC, umabot na sa kabuuang 5,404,573 na katao ang naapektuhan ng bagyo o katumbas ng mahigit 1,347,387 na pamilya.

Mayroon pang mahigit 45,000 na katao ang nananatili sa mga evacuation center.

Sa datos ng NDRRMC, umabot sa mahigit 9,832 mga barangay ang naapektuhan ng bagyo mula sa 17 rehiyon sa bansa.

Ayon sa NDRRMC, nakapagbigay na ng mahigit P276 milyon halaga ng tulong ang pamahalaan sa mga naapektuhan ng bagyo. (DDC)

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *