John Amores ng JRU pinatawan indefinite suspension ng NCAA

John Amores ng JRU pinatawan indefinite suspension ng NCAA

Pinatawan ng indefinite suspension ng NCAA ang manlalaro ng Jose Rizal University na si John Amores.

Kasunod ito ng insidente ng panununtok ni Amores sa apat na manlalaro ng De La Salle-College of St. Benilde sa kanilang laban sa NCAA Season 98 noong Martes.

Sa inilabas na pahayag ng Management Committee ng NCAA, si Amores ay suspendido indefinitely dahil sa nagawa nitong pitong paglabag sa naturang game.

Kabilang na dito ang panununtok ni Amores sa apat na manlalaro ng CSB.

Maliban kay Amores, pinatawan din ng parusa ang iba pang mga manlalaro.

Si Ladis Lepalam Jr. ng CSB ay pinatawan ng one game suspension.

One game suspension din ang ipinataw sa siyam na iba pang manlalaro ng JRU dahil sa pagpasok nila sa playing court nang walang rekognisyon mula sa Table Officials nang maganap ang kaguluhan.

Dalawang manlalaro pa ng CSB ang pinatawan ng 2-game suspension dahil sa pakikisali sa gulo.

Habang dalawang manlalaro din ng JRU ang pinatawan ng 2-game suspension dahil sa ipinakitang disrespectful acts sa mga ManCom representatives. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *