Pangulong Marcos nakaalis na patungong Camboadia para dumalo sa ASEAN Summit

Pangulong Marcos nakaalis na patungong Camboadia para dumalo sa ASEAN Summit

Nakaalis na si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. patungong Cambodia para dumalo sa 40th at 41st ASEAN Summits and Related Summits.

Ang summit ay idaraos mula Nov. 10 hanggang 13.

Sa kaniyang departure speech bago umalis patungong Phnom Penh.

Ang kaniyang pagdalo sa summit ay magandang oportunidad para makalikha ng mga bagong pakikipag-ugnayan at mapagtibay ang mga dati nang kasunduan sa mga kalapit na bansa.

Kabilang sa isusulong ng pangulo sa nasabing summit ang regional cooperation hinggil sa maritime security, climate chang, food security, health cooperation at economic recovery.

Magandang instrumento aniya ang ASEAN para matugunan ang mga regional issue hinggil sa pandemya ng COVID-19, sitwasyon sa Myanmar, usapin sa South China Sea at ang pagkubkob ng Russia sa Ukraine. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *