TINGNAN: Malaking metallic debris inanod sa pampang sa Occidental Mindoro
Natagpuan ng mga mangingisda sa Calintaan, Occidental Mindoro ang isang malaking metallic debris na inanod sa tabing dagat.
Ayon sa Philippine Coast Guard (PCG) ang metallic debris ay nakita ng mga mangingisda na nasa pampang kaya agad iniulat sa mga otoridad.
Ayon sa PCG, ang metallic debris ay white painted, pa-kurba ang hugis at tinatayang nasa six-meter ang haba.
Sa ngayon ay hindi pa alam kung ano at saan nagmula ang nasabing debris.
Patuloy itong sumasailalim sa inspeksyon ng mga otoridad. (DDC)