Igorot Stone Kingdom sa Baguio City ipinasara ni Mayor Magalong dahil sa permit at safety issue

Igorot Stone Kingdom sa Baguio City ipinasara ni Mayor Magalong dahil sa permit at safety issue

Ipinag-utos ni Baguio City Mayor Benjamin B. Magalong ang pagpapasara sa man-made tourist attraction sa lungsod na Igorot Stone Kingdom.

Ang dinarayong atraksyon ay matatagpuan sa Long-long Road, Pinsao Proper.

Ayon kay Magalong, nag-ooperate ang Igorot Stone Kingdom nang walang karampatang business permit.

Maliban dito, ang stone structures ay hindi rin sakop ng building permit kaya walang katiyakan ang structural integrity nito.

Sinabi ni Magalong na una nang inabisuhan ang may-ari ng establisyimento hinggil sa kanilang permit violations at inatasang tumugon requirements.

Gayunman, bigo pa rin itong makasunod sa utos ng LGU.

Sa halip ani Magalong ay mas pinalaki pa ang atraksyon at nagdagdag pa ng istraktura.

Dahil dito, noong Nob. 7, 2022 ay nagsampa ang City Buildings and Architecture Office ng Baguio City ng kaso laban sa may-ari ng atraksyon dahil sa paglabag sa National Building Code.

“We have to be proactive. We can’t wait of something bad to happen before we act,” ani Magalong.

Base sa nagpapatuloy na Climate Risk and Vulnerability Assessment (CRVA) sa lungsod na isinasagawa ng Asian Development Bank at ng City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO), ang Igorot Stone Kingdom ay nasa “very high landslide exposure.”

Idineklara din ng Mines and Geo-Sciences Bureau ng Department of Environment and Natural Resources (MGB-DENR) ang nasabing lugar bilang “prone to erosion.” (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *