Libu-libong kukuha ng bar exams dumagsa sa mga testing centers ngayong araw

Libu-libong kukuha ng bar exams dumagsa sa mga testing centers ngayong araw

Maagang dumagsa sa mga testing centers ang libu-libong examinees para sa unang araw ng 2022 Bar Examinations.

Mayroong labingapat na testing centers sa bansa kung saan lima dito ay nasa Metro Manila na kinabibilangan ng San Beda University, De La Salle University, Manila Adventist College, Ateneo de Manila University, at University of the Philippines – Bonifacio Global City.

Ayon sa Supreme Court, maagang nag-inspeksyon si SC Justice at 2022 Bar Chairperson Alfredo Benjamin S. Caguioa sa Bar testing center sa Ateneo de Manila University.

Una nang sinabi ng Office of the Bar Confidant, na mayroong 9,821 na candidates ang inaasahang kukuha ng 2022 Bar Examinations ngayong araw, Nov. 9.

Ang iba pang petsa ng Bar Exams ay isasagawa sa November 13, 16, at 20.

Ayon sa SC, sa 9,821 candidates, 5,847 ang unang pagkakataon pa lamang na kukuha ng Bar Exams o first time takers habang ang 3,974 ay ikalawa o higit pang pagkakataon. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *