Temporary Bridge sa Bayambang, Pangasinan maaari nang daanan ng mga motorista
Natapos na ang pagtatayo ng temporary bridge sa Bayambang, pangasinan matapos bumagsak ang Carlos Romulo Bridge kamakailan.
Ayon kay Pangasinan 3rd Dist. Rep. Rachel Arenas, naitayo ang temporary steel bridge sa Bayambang sa pakikipagtulungan sa DPWH Region I Ilocos Region, District Engineering Office at LGU Bayambang.
Ang pansamantalang tulay ay mayroon lamang vehicular weight limit na 5 tons.
Dahil dito, tanging mga light vehicles lamang ang papayagang dumaan sa tulay gaya ng kotse, SUV, tricycle, unloaded jeepney, van at pick-up.
Sinabi ni Arenas na nagpapatuloy ngayon ang koordinasyon ng kaniyang tangggapan sa DPWH Region 1 at District Engineering Office at sa Department of Public Works and Highways central office para sa replacement ng gumuhong tulay. (DDC)