NCRPO handa na para sa ikakasang seguridad sa Bar Exams 2022

NCRPO handa na para sa ikakasang seguridad sa Bar Exams 2022

Handa na ang inilatag na seguridad at deployment plan ang National Capital Region Police Office (NCRPO) para sa nakatakdang Bar Examination sa Nobyembre 9, 13, 16, at 20, 2022 sa limang venues sa Metro Manila.

Inihayag ni NCRPO Acting Regional Director, Brigader General Jonnel C. Estomo na mahigit 500 na pulis ang ipapakalat para bigyang seguridad ang mga examinees sa limang testing venues kabilang ang De La Salle University of Manila, San Beda University, Manila Adventist College, University of the Philippines, BGC, at Ateneo De Manila University.

Hindi inaalis ng pulisya ang maaaring mga banta ng grupo at masasamang elemento na posibleng magsamantala sa kaganapan para gumawa ng karahasan.

Ayon pa kay Estomo ide-deploy din ang security personnel sa mga lugar bilang katuwang ng mga pulis sa pagbibigay seguridad, civil disturbance management, traffic direction and control, at emergency preparedness and response kung kinakailanganin para siguruhing ligtas, payapa at maayos ang pagsasagawa ng Bar Exams.

Pinapaalalahanan din nito ang publiko kaugnay sa pagsasara ng sumusunod na ilang kalsada sa panahon ng pagsusulit:

* Estrada Street (Taft south bound) hanggang Quirino Street (Taft) sa ganap ba alas-2:00 ng madaling araw hanggang 7:00 ng gabi.

* Estrada Street (Taft north bound) hanggang Quirino Street (Taft) sa mga oras na alas- 2:00 ng madaling araw hanggang 8:00 ng umaga at alas-3:30 nf hapon hanggang 7:00 ng gabi.

* sa kanto ng Fidel at Noli Street (likurang bahagi ng DLSU) sa alas-2:00 ng madaling araw hanggang 7:00 ng gabi

* Concepcion Aguila Street at Mendiola Street (magmula sa C.M. Recto intersection hanggang Concepcion Aguila Street)

* sa kanto ng San Juan Street at Donada Street hanggang Leveriza Street ng alas -3:00 ng madaling araw hanggang 7:00 ng gabi.

“We are aiming for a peaceful and orderly conduct of the coming bar examination. Our security and deployment plans are all set and ready and we have also prepared contingency and emergency plans if anyone might try to disrupt the peace and order in the places of event. But we are optimistic that there’s no need for us to implement it,” ani BGen Estomo.

“Through the efforts and dedication of our personnel we can envision the success of this . To the examinees, we wish you all the success. Guaranteed that our police officers are seen, felt, appreciated and performing tasks extraordinarily in order for us to ensure your safety and protection while you take the exam,” dugtong pa ng opisyal. (Bhelle Gamboa)

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *