Nasawi sa pananalasa ng bagyong Paaeng umakyat na sa 158 ayon sa NDRRMC
Nakapagtala na ng 158 na nasawi ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) dahil sa pananalasa ng bagyong Paeng.
Ayon sa NDRRMC, nakapagtala din ng 142 na nasugatan at mayroon pang 34 na nawawala.
Sa Situational Report ng NDRRMC na inilabas umaga ng Martes (Nov. 8), umabot na sa kabuuang 4,661,833 na katao ang naapektuhan ng bagyo o katumbas ng mahigit 1,310,766 na pamilya.
Mayroon pang mahigit 44,000 na katao ang nananatili sa mga evacuation center.
Sa datos ng NDRRMC, umabot sa mahigit 9,795 mga barangay ang naapektuhan ng bagyo mula sa 17 rehiyon sa bansa.
Ayon sa NDRRMC, nakapagbigay na ng mahigit P212 milyon halaga ng tulong ang pamahalaan sa mga naapektuhan ng bagyo. (DDC)