Pangulong Marcos namahagi ng tulong sa mga nasalanta ng bagyong Paeng sa Antique
Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pamamahagi ng tulong sa mga nasalanta ng bagyong Paeng sa Antique.
Sa kaniyang talumpati, tiniyak ng pangulo sa mga nasalanta ng bagyo na handang tumulong ang pamahalaan para sa mabilis na recovery ng lalawigan.
Sa datos ng Provincial Social Welfare and Development Office ng Antique, mayroong mahigit 51,000 na pamilya na naapektuhan ng bagyo sa lalawigan.
Umabot din sa 861 na mga bahay ang nasira ng bagyo.
Sa isinagawang aktbidad, namahagi ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng P10,000 casg sa 300 benepisyaryo ng Sustainable Livelihood Program.
Mayroon namang 1,200 pang recipients ang nakatanggap ng P5,000 na cash aid, food packs a hygiene kits. (DDC)