PSA nakapagtala ng 2.50M na mga Pinoy na walang trabaho noong nakaraang buwan ng Setyembre
Bahagyang bumaba ang bilang ng mga Pinoy na walang trabaho noong buwan ng Setyembre kumpara noong buwan ng Agosto.
Sa inilabas na Labor Force Survey ng Philippine Statistics Authority (PSA), iniulat ni PSA chief at NationaL Statistician Claire Dennis Mapa na mayroong 2.50 million na unemployed persons noong Setyembre.
Mas mababa kumpara sa 2.68 million jobless Filipinos noong Agosto.
Kumakatawan ito sa 5 percent na unemployment rate ayon sa PSA.
Samantala, ang bilang ng mga employed na Pinoy ay naitala sa 47.58 million noong Setyembre.
Habagya itong mas mababa sa 47.87 million na bilang ng mga employed Filipinos noong Agosto.
Ayon sa PSA, kumakatawan ito sa 95 percent ng employment rate. (DDC)