Orihinal na kopya ng Noli Me Tangere at El Filibusterismo naka-display sa National Library
Ginugunita ngayong buwan ng Nobyembre ang Library and Information Services Month.
Bilang selebrasyon, hinikayat ng National Library of the Philippines (NLP) ang publiko na bisitahin ang “Exhibit of Rare Books and Manuscripts” sa NLP Building, T.M. Kalaw St., Ermita, Manila.
Sa nasabing exhibit, makikita ang orihinal na kopya ng Noli Me Tangere at El Filibusterismo ni Dr. Jose Rizal.
Gayundin ang orihinal na kopya ng tula na Mi Ultimo Adios.
Naka-display din sa exhibit ang Acta de la Proclamacion de Independencia del pueblo Filipino, mga rare books, photographs, maps at memorabilia.
Tatagal ang exhibit hanggang sa November 29, 2022. (DDC)