Pananalasa ng bagyong Yolanda sa bansa inalala ng Malakanyang

Pananalasa ng bagyong Yolanda sa bansa inalala ng Malakanyang

Inalala ng Malakanyang ang mga pumanaw sa pananalasa ng bagyong Super Typhoon Yolanda sa bansa noong 2013.

Ginugunita ngayong araw, Nov. 8 ang ika-9 na anibersaryo ng pananalasa ng nasabing bagyo.

Sa pahayag, sinabi ng Office of the Press Secretary na kaisa ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ay taimtim na inaalala ang mga buhay na binawi dahil sa pananalasa ng bagyo.

Dalangin umano ng OPS ang paghilom ng mga naiwan nilang mahal sa buhay.

Sinabi ng OPS na ang pinsala na iniwan ng bagyong Yolanda ay mananatiling paalala na dapat ay patuloy na magsikap ang lahat sa pagpapaigting ng paghahanda at pagtugon sa panahon ng sakuna. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *