PNP magpapadala ng 20 tauhan para sa peacekeeping mission sa South Sudan
Nakatakdang magpadala ng 20 tauhan ang Philippine National Police (PNP) para sa peacekeeping mission sa South Sudan.
Isinagawa na ang send-off ceremony sa Camp Crame para sa 20 police personnel na ipadadala sa United Nations Mission.
Mula sa 107 PNP officers na naka-standby para sa United Nations peacekeeping deployment, sinabi ng PNP na inisyal munang ide-deploy ang 20 tauhan.
Binubuo ang mga ito ng 13 babae at 7 lalaki bilang Individual Police Officers (IPOs).
Ayon sa PNP sa Nov. 15, 2022 ang target departure ng mga pulis.
Ngayon lamang ulit magpapadala ng kinatawan ang PNP sa UN Mission matapos ang ilang sunod na zero participation dahil sa pandemya ng COVID-19.
Inaasahang mapagbubuti nito ang kasalukuyang standing ng Pilipinas bilang Police-Contributing Country. (DDC)