Publiko binalaan kontra nakakaalarmang mga pagbabanta gamit ang social media
Nagbabala ang Taguig City Government sa publiko laban sa mga nakakaalarmang mga pagbabanta ng karahasan sa pamamagitan ng social media.
Ito ay kasunod nang natanggap na pagbabanta ng karahasan sa isang pampublikong paaralan ng lungsod na kumalat sa social media araw ng Lunes, Nobyembre 7.
Pagkatanggap ng lokal na pamahalaan sa naturang report ay agad na nakipag-ugnayan sa Philippine National Police na mabilis namang rumesponde ang mga tauhan ng Special Weapons and Tactics team at bomb squad sa Signal Village National High School main building at Annex building.
Maingat na siniyasat ng mga yunit na nagtungo sa nabanggit na paaralan at binigyang seguridad ang mga estudyante at bisinidad ng gusali para alamin kung may anumang uri ng bomba doon.
Wala namang bomba o uri ng pampasabog ang nadiskubre matapos ang ikinasang operasyon taliwas sa kumalat na impormasyong kumalat sa online.
Panawagan ng Taguig City na ang lahat ay manatiling kalmado.Aniya kasama ng lokal na pamahalaan na siguruhin ang kaligtasan Ng lahat.
Hinihikayat ang lahat na iwasang magbahagi o magshare ng maling impormasyon na magdudulot ng panic at alarma sa komunidad. (Bhelle Gamboa)