Calayan, Cagayan niyanig ng magnitude 5 na lindol
Tumama ang magnitude 5 na lindol sa Calayan, Cagayan.
Ayon sa Phivolcs, naitala ang epicenter ng pagyanig sa layong 11 kilometers southwest ng Dalupiri Island, 1:34 ng hapon ng Lunes, Nov. 7.
May lalim na 14 kilometers ang lindol at tectonic ang origin.
Naitala ang sumusunod na intensities:
Intensity V – Calayan, Cagayan
Intensity IV – Pagudpud, Ilocos Norte
Intensity III – Luna, Apayao; Pasuquin, Ilocos Norte
Intensity II – Lal-lo, Buguey, Lasam and PeƱablanca, Cagayan
Ayon sa Phivolcs maaaring makapagtala ng aftershocks bunsod ng nasabing pagyanig. (DDC)