Halaga ng pinsala ng bagyong Paeng sa imprastraktura umabot na sa mahigit P4.5B
Umakyat na sa mahigit P4.5 billion ang halaga ng pinsala ng Severe Tropical Storm Paeng sa imprastraktura.
Sa situational report ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), nakapagtala ng 800 na imprastraktura na nasira ng bagyo.
Ayon sa NDRRMC, kabilang sa mga napinsala ng bagyo ang mga lansangan, tulay, government facilities, mga paaralan, health facilities, at iba pa.
Samantala, umabot naman na sa halos 35,00 na mga bahay ang nasira ng bagyo.
Tinatayang aabot na sa mahigit P17.2 million ang halaga ng pinsala ng bagyong Paeng sa mga nasiramg bahay. (DDC)