“No helmet, No backride” policy istriktong ipinatutupad sa Taguig
Pinaalalahanan ng Lokal na Pamahalaan ng Lungsod ng Taguig ang mga nagmomotorsiklo at kanilang angkas na istriktong ipinapatupad ang No helmet,No backride policy sa mga nasasakupang lugar.
Dahil dito mahigpit na pinapaalalahanan ang lahat ng motorbike riders at mga angkas nito sa pagsusuot ng helmet habang bumibiyahe.
Simula ngayong Lunes, Nobyembre 7, mas mahigpit na ipapatupad ang “no helmet, no backride policy” sa Taguig lalo na sa mga may angkas na estudyante na hindi nagsusuot ng helmet.
Ito ay bilang bahagi ng lokal na pamahalaan na siguruhin ang kaligtasan ng mga gumagamit ng motorsiklo sa lungsod. (Bhelle Gamboa)