Food at energy security tatalakayin ni Pangulong Marcos sa dadaluhang APEC Summit

Food at energy security tatalakayin ni Pangulong Marcos sa dadaluhang APEC Summit

Kabilang ang food security at energy security sa tatalakayin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) Summit sa Thailand sa susunod na linggo.

Sa press briefing sa Malakanyang, sinabi ni Department of Foreign Affairs (DFA) Asst. Sec. Eric Tamayo, ang pagdalo ng pangulo sa nasabing pulong ay magsisilbing oportunidad upang maisulong ang mga pang-ekonomiyang prayoridad ng Pilipinas.

Ang APEC ay idaraos sa Nov. 16 hanggang 19.

Mahalaga ayon kay Tamayo na mabigyang pansin kung paanong magagawang future-proof ang rehiyon sakaling magkaroon muli ng pandemya o iba pang disruptions na labis na makakaapekto sa ekonomiya ng mundo.

Partikular aniyang ipapanawagan ng pangulo sa mga kapwa nito lider na dadalo sa Summit ang pangangailangan upang magkaroon ng food security, energy security, at pagpapalakas sa pagtugon sa epekto ng climate change. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *