Vax-Baby-Vax inilunsad ng DOH sa Taguig

Vax-Baby-Vax inilunsad ng DOH sa Taguig

Inilunsad ng Department of Health-Metro Manila Center for Health Development (DOH-MMCHD) ang 10-day Intensive Routine Catch-up Immunization na “Vax-Baby-Vax” sa Lakeshore Hall, C6- Lower Bicutan,Taguig City ngayong Lunes,Nobyembre 7.

Layunin nitong mabakunahan ang natitirang 137,048 na infants o sanggol na may edad 0 hanggang 23 buwang gulang na hindi pa nakatatanggap ng kailangang imunisasyon laban sa Vaccine-Preventable Diseases (VPDs) gaya ng polio, measles o tigdas,mumps o beke, rubella, diptheria at hepatitis B.

Samantala nanawagan si Taguig City Mayor Lani Cayetano sa magulang ng mga sanggol sa lungsod na samantalahin ang naturang programa na aniya’y pinakamagandang regalo sa kanilang anak na mabigyan ng libreng mga bakuna.

Umaasa ang alkalde na malalampasan ang target na 9,155 na sanggol na mabakunahan sa Taguig City. (Bhelle Gamboa)

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *