Mga kumpanya ng langis magpapatupad ng dagdag-bawas sa presyo ng produktong petrolyo
Inanunsyo na ng mga kumpanya ng langis ang halaga ng ipatutupad na dagdag presyo sa gasolina ngayong linggo.
Sa anunsyo ng mga kumpanya, tataas ng P1.40 ang presyo ng kada litro ng gasolina.
May bawas naman na 35 centavos sa presyo ng kada litro ng kerosene at 50 centavos ang bawas sa presyo ng kada litro ng diesel.
Epektibo ang dagdag presyo bukas araw ng Martes (Nov. 7). (DDC)