P206.5B na pondo inilaan ng gobyerno bilang ayuda sa mga naapektuhan ng pagtaas ng inflation

P206.5B na pondo inilaan ng gobyerno bilang ayuda sa mga naapektuhan ng pagtaas ng inflation

Naglaan ang pamahalaan ng P206.5 billion na pondo para sa subsidiya at cash support sa mga mamamayan na labis na naapektuhan ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin at serbisyo.

Ayon kay Office of the Press Secretary Officer-in-Charge Cheloy Garafil, base sa datos ng Department of Budget and Management (DBM) ang alokasyon ay para sa cash transfers at iba pang subsidy programs ng gobyerno.

Sa nasabing halaga, P165.40 billion ang ilalaan para sa social assistance programs ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) at P22.39 billion para sa Medical Assistance to Indigent and Financially-Incapacitated Patients (MAIFIP) ng Department of Health (DOH).

Maglalaan din ng P14.39 billion sa Department of Labor and Employment (DOLE) para sa Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) Program nito ay P2.5 billion para sa fuel subsidies ng Department of Transportation (DOTr).

Maglalaan din ng P1 billion para sa fuel assistance sa mga corn farmers at fisherfolk sa ilalim ng programa ng Department of Agriculture (DA). (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *