Shear Line, ITCZ magpapaulan sa malaking bahagi ng bansa

Shear Line, ITCZ magpapaulan sa malaking bahagi ng bansa

Makararanas ng pag-ulan ang malaking bahagi ng bansa dahil sa umiiral na Shear Line at Intertropical Convergence Zone (ITCZ).

Sa weather forecast ng PAGASA ngayong Lunes, Nov. 7 makararanas ng maulap na papawirin na mayroong kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorms sa Batanes, Cagayan, Isabela, Aurora, at Quezon dahil sa Shear Line.

Maulap na papawirin na may kalat-kalat na pag-ulan din ang mararanasan sa Bicol Region, Eastern Visayas, Caraga, at Davao Region.

Bahagyang maulap na papawirin naman na mayroong isolated na pag-ulan ang mararanasan sa Metro Manila at sa nalalabi pang bahagi ng bansa. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *