Klase at pasok sa gobyerno sa Tacloban City at 3 pang bayan sa Leyte suspendido sa anibersaryo ng pananalasa ng bagyong Yolanda

Klase at pasok sa gobyerno sa Tacloban City at 3 pang bayan sa Leyte suspendido sa anibersaryo ng pananalasa ng bagyong Yolanda

Suspendido ang klase at pasok sa trabaho sa gobyerno sa Martes, Nov. 8 sa Tacloban City at tatlo pang bayan sa Leyte.

Ito ay bilang paggunita sa ika-siyam na anibersaryo ng pananalasa ng Super Typhoon Yolanda.

Sa executive order na inilabas ni Tacloban City Mayor Alfred Romualdez, iniiutos nito ang suspensyon ng klase at pasok sa gobyerno sa nasabing petsa.

Magpapatuloy naman ang pasok sa trabaho ng mga nasa peace and order, emergency response, health, traffic flow, at disaster management.

Ayon sa EO ni Romualdez, may mga idaraos na aktibidad sa paggunita ng pananalasa ng nasabing bagyo.

Samantala, suspendido din ang pasok sa trabaho at government office sa Cariaga, Leyte, Palo, Leyte at Marabut, Samar. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *