Halaga ng pinsala ng bagyong Paeng sa imprastraktura umabot na sa mahigit P4.3B
Umakyat na sa mahigit P4.3 billion ang halaga ng pinsala ng Severe Tropical Storm Paeng sa imprastraktura.
Sa situational report ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), nakapagtala ng 722 na imprastraktura na nasira ng bagyo.
Pinakamalaking halaga ng pinsala sa imprastraktura ay sa Calabarzon na umabot mahigit P1.2 million.
Kasunod ang Mimaropa na nakapagtala ng mahigit P794,000 a halaga ng pinsala.
Una nang iniulat ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na matindi ang naging pinsala ng bagyo sa mga kalsada at tulay sa mga rehiyon na naapektuhan ng bagyo. (DDC)