P50K halaga ng donasyon tinangay ng mga kawatan sa isang simbahan sa Laguna

P50K halaga ng donasyon tinangay ng mga kawatan sa isang simbahan sa Laguna

Aabot sa P50,000 halaga ng donasyon ang natangay matapos looban ang isang simbahan sa Pagsanjan, Laguna.

Sa pahayag sa Facebook page ng Diocesan Shrine of Our Lady of Guadalupe, ginawa ang panloloob, araw ng Sabado, Nov. 5.

Winasak din ng mga suspek ang tabernakulo ng simbahan.

Natagpuan naman sa likurang bahagi ng altar ang sacred host.

Sinira din po ang ilang mga gamit sa opisina ng simbahan kasama na ang petition box.

Dahil sa insidente ay kinansela ang anticipated mass Sabado ng hapon.

Sinabi ni Fr. Ireneo Oliver, Kura Par0ko ng simbahan, nagsagawa na lamang sila ng Way of the Cross at Holy Rosary bilang paghingi ng tawad sa Diyos dahil sa paglapastangan na ginawa sa simbahan at sa banal na Tabernakulo.

Nakapagdaos naman na ng mga banal na misa ngayong araw ng Linggo, Nov. 6.

Patuloy pa ang imbestigasyon ng pulisya sa insidente. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *