Kaso ng COVID-19 sa malaking bahagi ng bansa patuloy na bumababa ayon sa DOH
Patuloy ang pagbaba ng kaso ng COVID-19 sa malaking bahagi ng bansa ayon sa Department of Health (DOH).
Sa press briefing, sinabi ni DOH Undersecretary office-in-charge Maria Rosario Vergeire na bumababa ang kaso ng COVID-19 sa Metro Manila at sa iba pang bahagi ng Luzon.
Nananatili ding nasa “plateau” ang case trend sa Mindanao.
Habang sa Visayas, may bahagyang pagtaas ng case trend.
Iniulat din ni Vergeire ang pagbaba ng ICU admissions sa nakalipas na mga araw. (DDC)