Unang araw ng F2F classes, peaceful at well-secured ayon sa NCRPO

Unang araw ng F2F classes, peaceful at well-secured ayon sa NCRPO

Inanunsyo ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Regional Director, Brigadier General Jonnel C. Estomo na payapa at ligtas ang unang araw ng pagbubukas ng in-person o face to face classes sa iba’t ibang paaralan at campus sa Metro Manila nitong Nobyembre 2.

Ayon kay BGen Estomo na siniguro nila ang kaligtasan at seguridad ng mga estudyante,magulang at guro gayundin napanatili ang peace and order sa mga paaralan at campus habang nagarantiya na istriktong nasunod ang Minimum Public Health Standard (MPHS) protocols.

Ang Metro Manila ang sentro ng lahat ng learning institutions sa bansa kaya ipinakalat ang nasa 5,000 na uniformed personnel kasama ang force multipliers sa 1,212 na eskuwelahan sa rehiyon.

Habang ang kabuuang 440 Police Assistance Desks (PADs) na itinayo malapit sa entrance gate ng school campuses sa koordinasyon ng mga opisyal ng DepEd ay minandohan ng 1,033 na pulis.

Bilang karagdagan, dineploy din ang COVID-19 patrollers sa loob ng bisinidad ng mga paaralan upang siguruhin na nasusunod ang MPHS gaya ng pagsusuot ng face mask at social distancing.

“The safety and security of the students is our top priority as to why the Philippine National Police launched the LIGTAS BALIK-ESKWELA SY 2022-2023. We have already deployed our personnel to assist and watch over the safety of the students, as well as the teachers and parents. I have strictly ordered them to perform their duty at their best and always be visible,” ani BGen Estomo.

“I also encourage everyone to approach their police whenever security concern is needed for we will always be there to help, ease your fear from being victims of lawless elements,” dugtong pa ng NCRPO chief. (Bhelle Gamboa)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *