DOLE nag-isyu ng guidelines sa boluntaryong pagsusuot ng face masks sa workplaces

DOLE nag-isyu ng guidelines sa boluntaryong pagsusuot ng face masks sa workplaces

Nagpalabas ng guidelines ang Department of Labor and Employment (DOLE) kaugnay sa boluntaryong pagsusuot ng face masks sa workplaces.

Sa inilabas na Labor Advisory No. 22 ng DOLE, pinapayagan na ang boluntaryong pagsusuot ng face masks ng mga manggagawa kapag sila ay nasa kani-kanilang workplaces.

Ayon sa DOLE, ito ay batay sa inilabas na Executive Order No. 7 ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Samantala, nakasaad din sa Labor Advisory na kailangan pa ding magsuot ng face masks sa mga healthcare facilities gaya ng mga klinika, ospital, laboratories, nursing homes at dialysis clinics.

Ang mga manggagawa na nasa mga medical transport vehicles gaya ng ambulansya at paramedic rescue vehicles ay kailangan pa ding magsuot ng face masks.

Gayundin ang mga empleyado sa mga public transportation by land, sea o air.

Ang mga manggagawa naman na immunocompromised, hindi pa bakunado buntis at nakatatanda ay pinapayuhan pa ring magsuot ng face masks. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *