Menor de edad na sumira sa mga gamit sa Cupang Senior High School na nagsilbing evacuation site papanagutin

Menor de edad na sumira sa mga gamit sa Cupang Senior High School na nagsilbing evacuation site papanagutin

Tiniyak ng pamahalaang lungsod ng Muntinlupa na mananagot ang menor de edad na sumira sa mga gamit sa silid-aralan kung saan siya at ang iba pang evacuees noong bagyong Paeng ay pansamantalang nanuluyan.

Ayon kay Muntinlupa Mayor Ruffy Biazon, sasailalim sa community service ang menor de edad na sumira sa mga gamit ng Cupang Senior High School.

Sinabi ni Biazon na magkahalong lungkot at galit ang kaniyang nararamdaman sa kabila ng pagpapatuloy sa mga evacuees sa paaralan para sila ay may masilungan ay nagawa pang sirain ang mga gamit sa classroom.

Sinabi ni Biazon na ang menor de edad na nanira ng classroom ay siya ring magsasaayos ng mga nasirang gamit.

May oportunidad naman ito na mag-aral kung nanaiisin ng bata dahil nakahanda ang LGU na tulungan ito.

Ayon sa alkalde hangga’t maaari ay iniiwasan ng pamahalaang lungsod na ipagamit ang mga silid aralan bilang evacuation site.

Gayunman, dahil marami ang kinailangang ilikas noong kasagsagan ng pananalasa ng bagyong Paeng, pinakiusapan niya ang DepEd Division Office na payagan ang pagpapagamit ng mga classroom bilang dagdag na evacuation sites.

Sa mga larawang ibinahagi ni Biazon, makikitang wasak-wasak ang blackboard sa isang silid-aralan.

Ipinakita din ang mga kalat na iniwan ng mga evacuees sa bahagi ng mga paaralan na ginamit para pansamantalang matuluyan ng mga inilikas. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *