Nasawi sa pananalasa ng bagyong Paaeng umakyat na sa 150 ayon sa NDRRMC

Nasawi sa pananalasa ng bagyong Paaeng umakyat na sa 150 ayon sa NDRRMC

Nakapagtala na ng 150 na nasawi ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) dahil sa pananalasa ng bagyong Paeng.

Ayon sa NDRRMC, nakapagtala din ng 128 na nasugatan at mayroon pang 36 na nawawala.

Sa Situational Report ng NDRRMC na inilabas umaga ng Huwebes (Nov. 3), umabot na sa kabuuang 3,963,555 na katao ang naapektuhan ng bagyo o katumbas ng mahigit 1,131,409 na pamilya.

Mayroon pang mahigit 170,000 na katao ang nananatili sa mga evacuation center.

Sa datos ng NDRRMC, umabot sa mahigit 8,700 mga barangay ang naapektuhan ng bagyo mula sa 17 rehiyon sa bansa.

Ayon sa NDRRMC, nakapagbigay na ng mahigit P136 milyon halaga ng tulong ang pamahalaan sa mga naapektuhan ng bagyo. (DDC)

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *